Minsan, ang hirap i-justify kung ano o sino nga ba ang tama o mali. Sa mga nangyayari sa buhay natin, parang ang hirap i-distinguish kung ano ang talagang totoo o kung ano ang perception mo lang bilang isang tao. Naalala ko tuloy yung “Four-way test” ng Rotary Club Int’l.
Of the things we think, say or do:
1. Is it the TRUTH?
2. Is it FAIR to ALL concerned?
3. Will it build GOODWILL and BETTER FRIENDSHIPS?
4. Will it be BENEFICIAL to ALL concerned?
Mahirap ba yang gawin? Kailangan bang gumastos nang bonggang-bongga para magawa ang mga ito? Masisira ba ang dignidad at prinsipyo mo sa buhay kung susundin mo ang mga yan? Ikaw na!
Lahat tayo nagkakamali, walang perpekto — tyak yun. Hindi ako nagmamalinis. Maging sa sarili ko, itinatanim ko iyan, dahil may mga kamalian din ako sa buhay.
Sana, maski dalawa sa apat na iyan ay masagot natin ng “YES”. Kung mangyayari yun, siguro, walang away, inggitan o samaan ng loob, lalo na sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw.
Sa Bible naman, dalawa lang din ang pinakamahalagang utos ng Diyos (based sa Matthew 22:36-40) :
36 “Teacher, which is the greatest commandment in the Law?”
37 Jesus replied: “‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’ 38 This is the first and greatest commandment. 39 And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’ 40 All the Law and the Prophets hang on these two commandments.”
Kung tutuusin, simple lang ang mga iyan pero bakit ang hirap gawin? So kung iyan ay hindi na natin kaya, paano pa kaya yung mga batas ng tao o kaya naman ay company policy na siguradong mas technical at siguradong mas mahirap isabuhay hindi ba?
Iyan ang wagas kong status update ngayon. Sana ay naging mabuti ang dulot nito sa ating lahat. Hindi ko hangad na magparinig lang o manghiya ng kapwa. And like what I said, I remind that even to myself.
Ito nga pala ay Rated PG — patnubay ng mas ma-gulang ay hindi kailangan.
Peace!